Pakagising ko last Sunday morning, nabasa ko ang text ng mama ko. Pinapatawag daw ako ng anak ko, xempre nataranta na naman ako kasi si Z.J., ang pinakamamahal kong baby ang gustong kumausap sa akin. Kasi yung anak kong yun, pag hindi ka nya type kausapin sa cp, khit na ano pang daldal mo, hindi ka talaga nya kakausapin, kasi istorbo ka lang sa paglalaro nya. Kaya pag sya ang nagpapatawag, tarantasious talaga ako, kasi dadaldal yun. Nung pag tawag ko, nagsalita sya agad.. "hello, mama, kumakain ako" "sinangag at tinapa, niluto ni lola taba" "ma, kailan ka uuwi, kasi gusto ko na ng dunkin donut at choco mucho" sa kadaldalan ng anak ko sa kung anu ano pang kwento nya, isa lang nasabi ko.. "malapit na akong umuwi, cge dalhan kita ng "UBONG" (tawag ng anak ko sa pasalubong) o kaya magpabili ka na lang kay lola taba mo" ang sagot nya "ayaw ko, gusto ko ubong mo" (sweet ng baby ko noh) hindi ako makapag salita, nakinig lang ako ng nakinig sa mga sinasabi nya..wahhhh..na mimis ko na talaga sya, sa mala anghel nyang boses nya, natanggal ang isang tambak na stress na bumabalot sa katawan ko...parang vitamins ang boses nya na muling nagpalakas sa akin...sa pagtatapos ng aming pag uusap, napa upo ako sa isang tabi at napa isip..sa aking pag iisip, nakagawa ako ng isang poem na ewan ko kung papasa sa inyo...ehehehe
Aking sanggol na idinuduyan
Ako'y lilisan para sa'yong kabutihan
Batang paslit na humahabol
Ako'y naghahanda sa iyong pagsibol
Sa iyong pagdaramdam akoy nag aalala
Sa iyong pagkakasakit, ako'y natataranta
Sa bawat pag iyak ako'y napapasabay
Sa bawat hinaing ikaw ay ginagabay
Bawat oras ay hinahabol at hinihila
Upang ikaw ay mayakap at mahagkan
Pagdaan ng araw aking inaabangan
Upang ikaw ay makita't makasama
Aking anak na munting anghel
Ako'y hitayin upang ikaw ay ipaghele
Aking inspirasyon at lakas ng loob
Sa iyoy nagmamahal at nagsusumamo
5 comments:
September 15, 2008 at 11:39 PM
NAKAKATOUCH PO...
September 16, 2008 at 12:01 AM
aww... ganun tlga yata..pag anak na.. unting tyaga pa..:) pasasaan bat magkakasama den kau..:D
September 16, 2008 at 3:05 AM
awwwww...usapang baby..inde ako makarelate..pasasaan din at gagawa din kmi nyan ng Grasya ko...ahehehe...:P
September 16, 2008 at 6:14 PM
kaya bhoyet..magsumikap ka..LOL
gawa na kasi kayo ni mommy grasya para makarelate ka sa blog ko..ahahahah
September 17, 2008 at 1:12 AM
Uwi ka na! wag mo na antayin ang katapusan! hehehe! exciting nga yun, ung inaantay mo ang paguwi ng nanay tapos masayang-masaya ka pag nakita mo na sya mawawala lahat ng kalungkutan mo!
Post a Comment