Showing posts with label choco mucho. Show all posts
Showing posts with label choco mucho. Show all posts

i'm so excited!!!!

thursday na!!!uwian na..wahahahha..hinihila ko na ang oras para makauwi na province.. sarap nito...long weekend..

sama ko noh?pinagpalit ko ang wednesday na holiday sa friday para sa pansariling kagustuhan..pero masaya nmn diba, kasi hindi putol ang pasok natin..i mean..tuloy-tuloy then long weekend..

pagbigyan nyo na ako:-)lam nyo naman kung ganu ko na ka miss
tru lav ko eh.. masaya talaga ito..3 days kong makakasa ang palalav ko
...3 days kaming magbobonding.. happy talaga kasi 1 month ko ng hindi nakikita si Zhion Jhiro (Z.J.) noh..xempre mis na mis ko na true lav ko..palalav ko..anak ko..junakis ko...bebe ko.. (iisa lang tinutukoy ko ha)..

pero wah pa ako na buy na mga bilin nyang ubong (pasalubong)..
dunkin donut, choco mucho and stik-o
..haizzz..maghahabol ako mamaya para maka buy, kasi pag ala akong dala, magtatampo talaga yun..

BILISAN NYO NA!!!UWIAN NA!! :-)

"AKING INSPIRASYON"


Pakagising ko last Sunday morning, nabasa ko ang text ng mama ko. Pinapatawag daw ako ng anak ko, xempre nataranta na naman ako kasi si Z.J., ang pinakamamahal kong baby ang gustong kumausap sa akin. Kasi yung anak kong yun, pag hindi ka nya type kausapin sa cp, khit na ano pang daldal mo, hindi ka talaga nya kakausapin, kasi istorbo ka lang sa paglalaro nya. Kaya pag sya ang nagpapatawag, tarantasious talaga ako, kasi dadaldal yun. Nung pag tawag ko, nagsalita sya agad.. "hello, mama, kumakain ako" "sinangag at tinapa, niluto ni lola taba" "ma, kailan ka uuwi, kasi gusto ko na ng dunkin donut at choco mucho" sa kadaldalan ng anak ko sa kung anu ano pang kwento nya, isa lang nasabi ko.. "malapit na akong umuwi, cge dalhan kita ng "UBONG" (tawag ng anak ko sa pasalubong) o kaya magpabili ka na lang kay lola taba mo" ang sagot nya "ayaw ko, gusto ko ubong mo" (sweet ng baby ko noh) hindi ako makapag salita, nakinig lang ako ng nakinig sa mga sinasabi nya..wahhhh..na mimis ko na talaga sya, sa mala anghel nyang boses nya, natanggal ang isang tambak na stress na bumabalot sa katawan ko...parang vitamins ang boses nya na muling nagpalakas sa akin...sa pagtatapos ng aming pag uusap, napa upo ako sa isang tabi at napa isip..sa aking pag iisip, nakagawa ako ng isang poem na ewan ko kung papasa sa inyo...ehehehe


Aking sanggol na idinuduyan

Ako'y lilisan para sa'yong kabutihan

Batang paslit na humahabol

Ako'y naghahanda sa iyong pagsibol





Sa iyong pagdaramdam akoy nag aalala

Sa iyong pagkakasakit, ako'y natataranta

Sa bawat pag iyak ako'y napapasabay

Sa bawat hinaing ikaw ay ginagabay






Bawat oras ay hinahabol at hinihila

Upang ikaw ay mayakap at mahagkan

Pagdaan ng araw aking inaabangan

Upang ikaw ay makita't makasama




Aking anak na munting anghel

Ako'y hitayin upang ikaw ay ipaghele

Aking inspirasyon at lakas ng loob

Sa iyoy nagmamahal at nagsusumamo








sigaw ng bayan