DAHIL SA ULAN

dahil sa nabasa ako ng ulan pag uwi last night, hindi na ako nakatambay sa bahay ng sis ko…dun kasi ako dumidiretso pagkagaling ko sa opis…gusto ko kasi, pag uuwi ako ng bahay ko yung matutulog na lang ako…since ako lang mag isa sa inuupahan kong room, ayaw kong umuwi ng maaga…alam nyo kung bakit? Dahil kung anu ano lang maiisp ko..pero yun nga, dahil sa nabasa ako ng ulan, napilitan akong umuwi ng maaga…at pagkarating ko sa bahay ko, nagshower na agad ako para makatulog na…sabi ko kasi sa sarili ko, pipilitin kong matulog..

after magshower, naglagay na ako sa mukha ko ng kung anik anik na nilalagay ko…then, nag off na ako ng light para humiga at pumikit…pero dahil sa hindi pa nga ako inaantok, hindi talaga ako makatulog..isang oras na akong nakapikit pero ayaw talga mawala ang gunita ko…pikit man ang mata ko, gising namn ang utak ko, kaya tumayo ako at nag bukas ng mapapatugtog..sounds trip kako, para makatulog..

pero nang iinis talaga yata ang gabi, pag open ko ng playlist ko… @#$#%^$&^%*&…pasko na sinta ko ang tugtog…haizzz..anu pa nga ba ang nangyari..umupo ako sa sulok ng room ko habang nakikinig at naninigarilyo kasabay ng tunog ng ulan…(na imagine nyo ba) nakikinig ng nakakainis na tugtog habang umuulan..kayat kung anu ano na nmn ang naiisip ko..ayaw kong magdrama, sabi ko sa sarili ko…hindi pa nmn puno yung sinisidlan ng aking pinakakatagong lungkot eh..hindi pa nmn puno ang pinag sisidlan ng mga tubig na tumutulo sa ating mga mata…kaya, hindi ako mag dadrama…at nanalo nga ako, hindi ako nagdrama, pero naglakbay ang isip ko sa nakaraan (epekto ng sounds)..

naalala ko na nmn ang pinakamamahal kong anak..at ang kinaiinisan kong "OGAG" na syang nagtanim ng halo halong emosyon sa dibdib ko…namimis ko ang anak ko..YES!!!anak ko lang…baby ko lang ang namimis ko (PROMIS)..natapos ang tugtog..at alam nyo ba ang pumalit..say that you love me ni regine….wahhhhhhhhh…pinipilit talaga ako..pero hindi pa rin..hindi ako nagpatalo sa emosyon ko….at nagwagi nga ako..walang pumatak..walang tumulo…yun ako eh, nakakaya kong kontrolin ang emosyon ko…nakakaya kong itago ang lungkot ko sa mga halakhak ko….nakakaya kong tumawa kahit na naiinis na ako…nakakaya kong ngumiti kahit na galit na ako…sabi nga ni angel ROBOT ako…pero yun ang kailangan eh, kasi pag nagpadala ko sa emosyon ko, talo ako…at pag natalo ako, matatalo rin ang mga taong nakapaligid, nagmamahal at umaasa sa akin….

hanggang sa natapos ang tugtog na yun..nakaramdam ako bigla ng pagod..epekto siguro ng paglalakbay ng hinagap ko..at sa pagod na yun, nakatulog ako ng mahimbing at nanalo sa emosyon na lagi kong kinakalaban…yun ang kailangan eh..kaya yun ang ginagawa ko at gagawin sa mga susunod na aspeto ng buhay ko….

5 comments:

  ♥пчzє♥

September 12, 2008 at 1:45 AM

Go Go Go Lang aTE....ehehe...sabi NGa ni rachelle ann Go..Dont cry Out Loud Just Keep iT inside :)
ahahahaha...
Iba na tLga Pag May BAby, mwala LAng lAHAt wag laNG ang BAby mo...ganYan din feeling ko xempre Mommy narin ako ehehhe e..:P

  =supergulaman=

September 12, 2008 at 1:58 AM

ahehehe...usapang namimiss n baby 'to...:D
..inde ako ganu maka-relate..pero dun sa usapang kinaiinisan...mhhhhh...kinaiinisan nga ba?...ahehehe...:D

  ---%--@

September 12, 2008 at 4:14 AM

magandang tanong ung "kinaiinisan nga ba?", hayz kasi naging mahina ang ogag...ang ogag mo! pero since die hard optimist ako...ang sabi nga kung nasa baba ka wala ka nang ibang pupuntahan kundi paakyat! cycle nga lang ito kaya akyat-baba! isipin mo nlang parang itlog lang na gumugulong! up-down-up-down...ala mahuhulog na ung itlog! yan tiyak makakatulog ka!

  Sexychiicq

September 12, 2008 at 6:33 AM

aww,, baby ba usapan.. ala pa ko nun eh.. dun na lng den ako sa kinaiinisan..hehe..:) ang tanong gaya nila..klnaiinisan ohh wala lang.. :P hehehe.. yuko ng sabhin bka kung ano pa masabi ko..:)

  Marlene

September 13, 2008 at 12:00 AM

waaahhh...

miss nyo na po ang baby ninyo???

bakit kasi naimbento pa ang music...

aheheh...

yun lang po...

^___6

sigaw ng bayan