para kay angel
Posted by arah Monday, September 29, 2008 at 1:18 AM
2 comments Labels: farewell, kaibigan, kapatid, kapuso
kapraningan? Asa pa?
Posted by arah Tuesday, September 23, 2008 at 9:33 PM
madalas akong manigarilyo sa baba ng office namin kasi nga bawal magyosi sa building kahit na sabihin mong nsa fire exit ka pa magyoyosi..kaya kailangan mo pang bumababa from 3rd floor para lang mag makapg isoy. dun ako nagpapalipas ng inis, asar at init ng ulo habang nagyoyosi..lalo na pag kumakalabog na ang keyboard ko or may slight akong nakakasagutan, bumababa na lang ako at nag iisoy para magpakalma..dun ako magaling eh..lol
pero iba ang pangyayari kaninang umaga..habang nag iisoy ako, may nakita akong lalake na nakatayo paharap sa shakeys..naloka ang lola nyo, kasi ang tayo or tikas nya eh pareho kay ogag (sa mga hindi pa nakakakilala kay ogag,mag survey na lang sa mga taong malapit sa akin..hehe). pero bigla ko ring binawi ang pagkagulantang ko, kasi nga naka long sleeves and naka slacks na brown si lalake, eh hindi naman nag susuot si paltat ng ganun eh (iisa lang si paltat o si ogag)...nag sideview si lalake, at nagulantang ang lola nyo...kumabog,nagdribol, sumabog ang dibdib kasi yung ilong ng lalake eh parang si kaaway talaga (si kaaway eh si ogag din..hehe)...sinabayan pa ng buhok na kaparehong kapareho ng buhok or gupit ni ogag..
grabe talaga...as in grabecious..akala ko talaga sya...ng biglang humarap si lalake, humalagpak ako sa tawa at kahit si kuya guard eh nagulat sa akin..natawa ako kasi hindi naman sya at natawa lang ako sa sarili ko kasi naiisip ko pang pwedeng pumunta si paltat pero alam ko namang napaka imposible...hehe
PRANING!!!ASA PA!!!SHUNGAERS talaga ako para mag isip pa ng mga ganung bagay...
dahil alam na alam ko naman sa sarili ko na imposible ng mag krus pa ang aming mga landas..
ahahahah!!!goodluck na lang talaga sa kapraningan ko!!!
sinundan pa ng chicken wings ni angel..
**kung anu man ang nakapaloob sa chicken wings na yan..mailalathala ko rin yan sa blog ko..at sana lang maalala nyo pa na may pending word pa na chicken wings ngayon sa entry na ito**..hehehe
5 comments Labels: alaala, paranoid, praning, shakeys
tag by supergulaman
Posted by arah Sunday, September 21, 2008 at 9:59 PM
----start copy here-----
Thanks to supergulaman for this great Award
I love the blogs of these people and I'm glad to pass this award onto them! All they need to do is to leave the following message on their post when they pass the award on to their chosen eight bloggers.
They all are charmed with the blogs, where in the majority of its aims are to show the marvels and to do friendship; there are persons who are not interested when we give them a prize and then they help to cut these bows; do we want that they are cut or that they propagate? Then let's try to give more attention to them! So with this prize we must deliver it to 8 bloggers that in turn must make the same thing and put this text.
I'm passing this award to:
----end copy-----
0 comments Labels: tag by supergulaman
"AKING INSPIRASYON"
Posted by arah Monday, September 15, 2008 at 6:30 PM
5 comments Labels: anak, choco mucho, donkun donut, inspirasyon, pasalubong, stick-o
SAD QUOTES
Posted by arah Sunday, September 14, 2008 at 10:21 PM
- Who do you turn to?? When the only person who can stop u from crying is the one who is making you cry.
- Train youself to let go the fear of losing someone you love.
- The greatest irony of love is letting go when you need to holdon, and holding on when you need to let go.
- Its hard to think that your not mine anymore, if only I could turn back the hands of time, but life nust go on, hope your happy for the the life you have chosen.
- Be fair to youself! Don’t cry for someone who doesn’t desever your tears…theres no use holding on to someone who has been hurting you…don’t love to much! Learn to keep a little for yourself.
2 comments Labels: love, partner, SAD QUOTES
DAHIL SA ULAN
Posted by arah Friday, September 12, 2008 at 12:07 AM
dahil sa nabasa ako ng ulan pag uwi last night, hindi na ako nakatambay sa bahay ng sis ko…dun kasi ako dumidiretso pagkagaling ko sa opis…gusto ko kasi, pag uuwi ako ng bahay ko yung matutulog na lang ako…since ako lang mag isa sa inuupahan kong room, ayaw kong umuwi ng maaga…alam nyo kung bakit? Dahil kung anu ano lang maiisp ko..pero yun nga, dahil sa nabasa ako ng ulan, napilitan akong umuwi ng maaga…at pagkarating ko sa bahay ko, nagshower na agad ako para makatulog na…sabi ko kasi sa sarili ko, pipilitin kong matulog..
after magshower, naglagay na ako sa mukha ko ng kung anik anik na nilalagay ko…then, nag off na ako ng light para humiga at pumikit…pero dahil sa hindi pa nga ako inaantok, hindi talaga ako makatulog..isang oras na akong nakapikit pero ayaw talga mawala ang gunita ko…pikit man ang mata ko, gising namn ang utak ko, kaya tumayo ako at nag bukas ng mapapatugtog..sounds trip kako, para makatulog..
pero nang iinis talaga yata ang gabi, pag open ko ng playlist ko… @#$#%^$&^%*&…pasko na sinta ko ang tugtog…haizzz..anu pa nga ba ang nangyari..umupo ako sa sulok ng room ko habang nakikinig at naninigarilyo kasabay ng tunog ng ulan…(na imagine nyo ba) nakikinig ng nakakainis na tugtog habang umuulan..kayat kung anu ano na nmn ang naiisip ko..ayaw kong magdrama, sabi ko sa sarili ko…hindi pa nmn puno yung sinisidlan ng aking pinakakatagong lungkot eh..hindi pa nmn puno ang pinag sisidlan ng mga tubig na tumutulo sa ating mga mata…kaya, hindi ako mag dadrama…at nanalo nga ako, hindi ako nagdrama, pero naglakbay ang isip ko sa nakaraan (epekto ng sounds)..
naalala ko na nmn ang pinakamamahal kong anak..at ang kinaiinisan kong "OGAG" na syang nagtanim ng halo halong emosyon sa dibdib ko…namimis ko ang anak ko..YES!!!anak ko lang…baby ko lang ang namimis ko (PROMIS)..natapos ang tugtog..at alam nyo ba ang pumalit..say that you love me ni regine….wahhhhhhhhh…pinipilit talaga ako..pero hindi pa rin..hindi ako nagpatalo sa emosyon ko….at nagwagi nga ako..walang pumatak..walang tumulo…yun ako eh, nakakaya kong kontrolin ang emosyon ko…nakakaya kong itago ang lungkot ko sa mga halakhak ko….nakakaya kong tumawa kahit na naiinis na ako…nakakaya kong ngumiti kahit na galit na ako…sabi nga ni angel ROBOT ako…pero yun ang kailangan eh, kasi pag nagpadala ko sa emosyon ko, talo ako…at pag natalo ako, matatalo rin ang mga taong nakapaligid, nagmamahal at umaasa sa akin….
hanggang sa natapos ang tugtog na yun..nakaramdam ako bigla ng pagod..epekto siguro ng paglalakbay ng hinagap ko..at sa pagod na yun, nakatulog ako ng mahimbing at nanalo sa emosyon na lagi kong kinakalaban…yun ang kailangan eh..kaya yun ang ginagawa ko at gagawin sa mga susunod na aspeto ng buhay ko….
5 comments Labels: iyak, kanta, nakaraan, ulan
Bakit?
Posted by arah Wednesday, September 10, 2008 at 4:20 PM
Bakit ko ginawa ang blog na ito?
Una (xempre, bago ang pangalawa), dahil na rin sa impluwenxa ng mga taong nakapaligid sa akin (nakapaligid daw oh..pero ang totoo, nasa kaliwa ko lang sila pag naka upo ako sa table ko sa office).dahil sa pagbabasa ko ng mga blog nila, nailalabas ko ang aking mga emosyon. Lungkot, saya, malakas na halakhak, inis at kung anu ano pa. Dahil, kadalasan, nadadala ako sa mga sinusulat nila. Pero hindi lahat sinasang ayunan ko.
Pangalawa (xempre sunod sa una)Kaya naisipan kong gumawa (or let say gumaya) ng blog para mailabas ko rin ang emosyon ko. Uu, alam ko pangatlo na ito sa mga blog ko, pero kakaiba itong blog na ito, dahil dito nyo makikilala ang kalaliman at kababawan ng aking pagkatao. I have done this before, sa friendster, pero dahil sa kangaragan at kashungahan ng lola nyo, nadelete ko ang dating account ko. Pro xempre, gawa ulit ng another account..hehe (hindi po adik, nakikiuso lang)..LOL..
Kaya abangan at subaybayan nyo, kung anu anong mailalathala ko sa blog na ito. Mga araw araw na gawain, pangyayari at damdamin ng buong buhay at pagkatao ko. Sana nga lang, walang kumontra dahil aaawayin ko talaga (JOKE). Matutuwa nga ako pag may nag rereact eh..yun ang habol ko..hahaha..habol ko ang ibat ibang pananaw at pagkakilala ng ibat ibang tao sa akin.
Kasi baka hindi ko na rin nakikilala ang sarili ko, kaya kailangan ko ang pananaw nyo para makilala ko ng lubusan ang sarili ko. Kailangan ko rin ng mga payo, kasabihan at pangaral na tatagos sa kaloob looban ng pagkatao ko, ng puso ko. Gusto kong ipakilala nyo pa ako sa sarili ko sa pamamagitan ng pananaw at mga komento nyo sa akin. Wag kayong mag alala, malugod namn akong makikinig at xempre magpayo sa mga sasabihin nyo at tapat ko rin kayong sasagutin sa mga sinasabi nyo.
Kaya hanggang sa susunod na pagpopost!!
8 comments Labels: emosyon, kaibigan, saya, tuwa