nagkaroon ako ng oras para bumisita sa mga kablog ko..pero ibang level itong araw na ito. nahalukay na naman ang puso ko, ang damdamin ko, ang buong pagkatao ko..
isa sa mga blog na nagpahirap ng kalooban ko ay ang post ni marlene..hindi ko sinisisi si binibining alindogan ha, hindi rin ako galit sa post nya...naramdaman lang talaga ng buong pagkatao ko..
galing ako sa broken family..kaya hindi ko naranasan ang magkaroon ng isang ama..7 years old pa lang kasi ako ng magloko si papa kaya pinaalis ni mama sa bahay...naisip ko lang, sana naging ganon din si papa, kagaya ng isang ama sa post ni marlene...siguro, hindi ganito kasakit yung nararamdaman ko..ang sarap sigurong magkaroon ng isang ama..haizzz..
napaisip rin ako..panu na ZJ ko? happy kaya sya? uu naman, alam ko masaya sya, masaya kami..mother and son nga eh..pero alam ko rin na darating ang panahon na hahanapin nya sa akin pudrabels nya..at hanggang ngayon eh hindi ko pa rin alam ang isasagot ko..sabi ko, bahala na..saka na ako mag-iisip ng isasagot ko sa kanya..kasi, hindi ko talaga alam kung panu eexplain, bata pa sya..4 years old pa lang, marami pang taon para mapaghandaan ko..alam ko happy naman sya eh..kasi ginagawa ko naman ang lahat para sa kanya..para sa kaligayahan nya, para sa kabutihan nya..pero sapat na kaya yun?
isa pang blog na medyo kumurot sa akin eh yung dalawang blog ni meliza..
wala naman tama sa pag-ibig..kasi kahit na mali ay nagiging tama..kaya mong gawina ng lahat, kaya mong ibigay ang lahat, kaya mong tanggapin ang lahat alang-alang sa pagmamahal..pero hanggang saan nga kaya yun?hanggang sa magsawa ka na? hanggang hindi mo na kayanin? hanggang pati ang sarili mo eh hindi mo na kilala? pero kailan mo malalaman na sawa ka na? kailan mo malalaman na hindi mo na kaya? kailan mo malalaman na hindi mo na kilala ang sarili mo? kasi, ang alam ko..pag nagmahal ako, walang hanggan (kaya!!)..
parang magkarugtong nga ang blog ni marlene at ni ish..kasi, gaya ng sinabi ko, hindi ko naranasan na magkaroon ng isang ama, kaya nasabi ko sa sarili ko na hindi ako magpapamilya, preo lecheng puso, tumibok at nagmahal ng sobra-sobra kaya nasasaktan...sabi ko noon, kung magpapamilya ako, pipilitin kong maging buo dahil ayaw kong maranasan ng magiging anak ko ang naranasan ko..pero, hanu at heto kami ng anak ko..ginawa ko ang lahat, alam ko sa sarili ko, ginawa ko ang lahat..pero panu mo ipaglalaban ang isang pagmamahal na alam mong ikaw na lang ang nakakapit at binitiwan ka na nya..panu mo pa sya ipaglalaban kung alam mong isinuko ka na nya..haizz..
pero gaya ng blog ni em...may gamot..may gamot sa lahat ng nararamdaman ng puso mo..MUSIKA!!
musika na mailalabas mo kung anu man ang nararamdman mo...musika na tumutulong para maalis ang kahit na konting sakit na nsa puso mo...musika na magpapasaya sayo sa oras ng kalungkutan..musika na magpapaalala sayo ng lahat ng pangyayari sa buhay mo..noon man o ngayon..
HAYAN..DAHIL SA MGA BLOG NYO..NAKAPAG POST TULOY AKO..HUHUHU...HEHEHE
Wikipedia galit kay BONG REVILLA?
5 years ago
5 comments:
October 14, 2008 at 4:11 AM
aww.. haysz.. gnyan siguro tlga.. lalo inyour part.. nakakarelate ka ng sobra sobra..pero bout kay zj. haysz.. siguro sa sobrang pagmamahal mo..bka hnde na sya maghanap..pero kung makakakita sya ng ibang family na complete.. siempre may effect s knya.. nasa sayo pa ren ang desisyon.. ikaw pa ren ang makakagawa ng paraan kung ayaw mong mafeel ni zj ang napifeel mo ngaun. ahehe..:) yah know what i mean..:D
October 14, 2008 at 5:45 PM
wwaaaahhh....
ma'am arah pasensiya na po...
*hugs*
wag po kayong mag-alala, galing po sa perspective ng isang anak, mawala na po ang tatay, wag lang po ang nanay, kasi po ang nanay ang mas malapit sa anak...
Si ZJ po alam ko enaf na po yung love, care at lahat po ng napaparamdam nyo sa kanya...
saka po maiintindihan niya po yun..matalino po si ZJ...
ahehe...
*hugs po ulit*
October 15, 2008 at 2:41 AM
uggghhh...masyadong malungkot....sabi nga "bee hapi"..."jolibee happy..."....music theraphy??...food therapy mas ok...
uu nga nmn tama c gelene...i second "emotion"...:D
October 15, 2008 at 2:53 AM
marlene, alam ko naman maiintindihan nya, pero xempre, magtatanong pa rin sya, yung kulit nyang yun..hay naku..hehehe..pero sana nga handa na ako pag dating araw na yun:-)
October 15, 2008 at 2:58 AM
honie at supergulaman..TANTANAN NYO!!!
hehehe, tanong ko nga sa inyo, paanong nasa akin ang desisyon eh sya na nga ang nagdecide para sa amin..
paanong nasa akin ang paraan?panu mo bubuuin ang isang bahay kung wala ang isang kahoy nito? in short, panu mo ipaglalaban ang isang tao na alam mo na isinuko ka na :-(
tama na siguro yung ilang beses ko syang pinaglaban at minahal ng walang sawa at pinilit na buuin ang dapat buuin..ginawa ko na ang lahat..nasa kanya na ang paraan, wala na sa akin
Post a Comment