kung ano ang ingay ng CP ng frend ko yesterday, syang tahimik naman ngayon...isang nakakalokang pangyayari sa frend ko..dahil sa kaloka nyang bayaw na nag miskol ky mystery..hayan tuloy..napatawag ito sa frend ko..at isa pang nakakalokang daldal ang inabot nya ky mystery...nasabi tuloy ng frend ko -
frend: daldal ka ng daldal, para kang babae..ano bang problema?namiskol ka lang ganyan ka magreact
mystery: eh panu namn, nag miskol ka ng madaling araw, malay ko ba na may emergency ka..natakot lang ako, baka kung anu nangyayari syo.
napatawa ng malakas ang frend ko at isang malaking tanong ang pumasok sa isip nya
frend: CONCERN, kailan pa?"
(pwede ba yun? maging concern ka sa taong 4 na taon mo nang hindi nakakausap, hindi nakikita?prang hindi kapanipaniwala..kung hindi nga lang sa maling miskol eh hindi mo maaalala, tapos concern pa?heler!!!)
mystery: pwede ba kitang makita..pwede ba akong pumunta dyan sa opis nyo?namimis na kasi kita
(namimis?gusto yata ni mystery na patawanin ng malakas yung frend ko...at gusto nya pang makipag kita..hindi ginusto ng frend ko kasi nga, xempre andun pa rin yung sakit ng nakaraan..at ngayong ok na yung frend ko eh guguluhin na naman nya)
frend: palibhasa wala kang nararamdaman..palibhasa, hindi ka nasasaktan, panu mo nasasabi na gusto mong makipagkita, nakalimutan mo na ba mga nangyari?
mystery: sino sabi sayong hindi ako nasasaktan?akala mo lang hindi ako nasasaktan, natural masakit para sa akin lalo na pag nababalitaan kong may BF ka or my kinakasama
remember, kaya hindi ko pinirmahan ang sinasabi mong "separation documents", kasi ayaw kong mag-asawa ka ulit, ayaw kong magka BF ka, malay mo magkabalikan tayo..alam ko naman na hindi mo ako mapapatawad sa mga ginawa ko sa inyo ng anak natin..pero sana, wag na tayong mag away..isipin pa rin natin yung pinagsamahan natin, alang-alang sa bata.
frend: napatawad na kita...matagal na kitang napatawad, ayoko rin naman ng may kaaway..ayoko rin nagtatanim ng sama ng loob.
(totoo nga kaya?)
frend: pero kailangan mo ng kalimutan yung pinagsamahan natin kasi ako pilit ko na yung kinakalimutan..para wala na tayong panghawakan..para wala ng masaktan..
mystery: kung yan ang gusto mo, bahala kang mag isip nyan..bsta ako, hindi ko kakalimutan yung pinagsamahan natin at hindi ko talaga iyon makakalimutan..
frend: ***** naman, 4 na taon na tayong magkahiwalay, 4 na taon na tayong may kanya-kanyang buhay..naiisip mo pa na magkakabalikan tayo?
mystery: yung iba nga 5-10 taon na magkahiwalay, nagkakabalikan pa eh..diba sinasabi syo ng mga kapatid ko yung pinapasabi ko na "wag kang mag aasawa, kasi babalik ako..sayo ako mamamatay.
frend: hahaha
mystery: bakit ka natatawa, seryoso ako, mis na talaga kita..pumayag ka na sana na makita kita, puntahan kita dyan sa opis mo..saan ba yan banda..wala bang magagalit pag nagpunta ako dyan? baka makita ako ng sumusundo sayo.
frend: hindi pa kasi ako ready na makita ka..natatakot ako
mystery: bakit ka natatakot?mamamatay tao ba ako?
frend: may sinabi ba akong mamamatay tao ka?!!hindi pa lang talaga ako handang harapin ka
mystery: siguro, kaya ayaw mo akong papuntahin dyan kasi andyan yung BF mo..sabihin mo na lang na "BOY" mo ako sa bahay nyo, para hindi nya malaman na ako ang asawa mo, pag nakita na kita, aalis na rin ako, gusto lang talaga kitang makita..
frend: bahala ka!!
mystery: saan nga yang opis mo?
frend: kung gusto mo talaga akong puntahan, aalamin mo kung saan mo ako makikita..sige na, marami pa akong ginagawa!!
at dyan natapos ang conversation nila..aminado naman si frend na may saya na bumalot sa kanya..pero andun pa rin yung takot...takot na masaktan ulit..saka, wala syang makitang effort kay mystery..at alam ni frend na hindi patalaga desidido si mystery na makipagbalikan, kaya hindi sya nag EEXPECT!!
text...text...text
Posted by arah Monday, October 27, 2008 at 11:59 PM
hurting inside :-(
Posted by arah Tuesday, October 14, 2008 at 2:28 AM
nagkaroon ako ng oras para bumisita sa mga kablog ko..pero ibang level itong araw na ito. nahalukay na naman ang puso ko, ang damdamin ko, ang buong pagkatao ko..
isa sa mga blog na nagpahirap ng kalooban ko ay ang post ni marlene..hindi ko sinisisi si binibining alindogan ha, hindi rin ako galit sa post nya...naramdaman lang talaga ng buong pagkatao ko..
galing ako sa broken family..kaya hindi ko naranasan ang magkaroon ng isang ama..7 years old pa lang kasi ako ng magloko si papa kaya pinaalis ni mama sa bahay...naisip ko lang, sana naging ganon din si papa, kagaya ng isang ama sa post ni marlene...siguro, hindi ganito kasakit yung nararamdaman ko..ang sarap sigurong magkaroon ng isang ama..haizzz..
napaisip rin ako..panu na ZJ ko? happy kaya sya? uu naman, alam ko masaya sya, masaya kami..mother and son nga eh..pero alam ko rin na darating ang panahon na hahanapin nya sa akin pudrabels nya..at hanggang ngayon eh hindi ko pa rin alam ang isasagot ko..sabi ko, bahala na..saka na ako mag-iisip ng isasagot ko sa kanya..kasi, hindi ko talaga alam kung panu eexplain, bata pa sya..4 years old pa lang, marami pang taon para mapaghandaan ko..alam ko happy naman sya eh..kasi ginagawa ko naman ang lahat para sa kanya..para sa kaligayahan nya, para sa kabutihan nya..pero sapat na kaya yun?
isa pang blog na medyo kumurot sa akin eh yung dalawang blog ni meliza..
wala naman tama sa pag-ibig..kasi kahit na mali ay nagiging tama..kaya mong gawina ng lahat, kaya mong ibigay ang lahat, kaya mong tanggapin ang lahat alang-alang sa pagmamahal..pero hanggang saan nga kaya yun?hanggang sa magsawa ka na? hanggang hindi mo na kayanin? hanggang pati ang sarili mo eh hindi mo na kilala? pero kailan mo malalaman na sawa ka na? kailan mo malalaman na hindi mo na kaya? kailan mo malalaman na hindi mo na kilala ang sarili mo? kasi, ang alam ko..pag nagmahal ako, walang hanggan (kaya!!)..
parang magkarugtong nga ang blog ni marlene at ni ish..kasi, gaya ng sinabi ko, hindi ko naranasan na magkaroon ng isang ama, kaya nasabi ko sa sarili ko na hindi ako magpapamilya, preo lecheng puso, tumibok at nagmahal ng sobra-sobra kaya nasasaktan...sabi ko noon, kung magpapamilya ako, pipilitin kong maging buo dahil ayaw kong maranasan ng magiging anak ko ang naranasan ko..pero, hanu at heto kami ng anak ko..ginawa ko ang lahat, alam ko sa sarili ko, ginawa ko ang lahat..pero panu mo ipaglalaban ang isang pagmamahal na alam mong ikaw na lang ang nakakapit at binitiwan ka na nya..panu mo pa sya ipaglalaban kung alam mong isinuko ka na nya..haizz..
pero gaya ng blog ni em...may gamot..may gamot sa lahat ng nararamdaman ng puso mo..MUSIKA!!
musika na mailalabas mo kung anu man ang nararamdman mo...musika na tumutulong para maalis ang kahit na konting sakit na nsa puso mo...musika na magpapasaya sayo sa oras ng kalungkutan..musika na magpapaalala sayo ng lahat ng pangyayari sa buhay mo..noon man o ngayon..
HAYAN..DAHIL SA MGA BLOG NYO..NAKAPAG POST TULOY AKO..HUHUHU...HEHEHE
5 comments Labels: father, hurting inside, love, music, partner
Arte y Pico Award
Posted by arah Monday, October 13, 2008 at 1:41 AM
The rules of this tag are as follows:
1) You have to pick 5 blogs that you consider deserve this award for their creativity, design, interesting material, and also for contributing to the blogging community, no matter what language.
2) Each award has to have the name of the author and also a link to his or her blog to be visited by everyone.
3) Each award winner has to show the award and put the name and link to the blog that has given her or him the award itself.
4) Award-winner and the one who has given the prize have to show the link of “
Lift up your hand
Posted by arah Thursday, October 9, 2008 at 1:34 AM
Life is not all that bad, my friend, hmmm
If you believe in yourself
If you believe there's Someone
Who walks through life without you
You'll never be alone
Just learn to reach out,
And open your heart
Lift up hands to God,
And He'll show you the way.
And He said, "Cast your burdens upon Me
Those who are heavily laden,
Come to Me, all of you who are tired
Of carrying heavy loads,
For the yoke I will give you is easy
And My burden is light,
Come to Me and I will give you rest."
When you feel the world
Is tumblin' down on you,
And you have no one
That you can hold on to,
Just face the rising sun
And you'll see hope,
And there's no need to run
Lift up your hands to God,
And He'll make you feel all right.
And He said, "Cast your burdens upon Me
Those who are heavily laden,
Come to Me, all of you who are tired
Of carrying heavy loads,
For the yoke I will give you is easy
And My burden is light,
Come to Me and I will give you rest."
Ito yung song na gustong-gusto kong naririnig or kinakanta everytime na iba ang pakiramdam ko..yung feeling na pasan mo ang lahat..yung feeling na ang bigat bigat sa dibdib..yung feeling na gusto mo ng sukuan..yung feeling na kailangan mo ng iiyak..para mabawasan yung bigat..at yun ang nararamdaman ko ngayon..
ang hirap talaga..ang hirap hirap..yung problemang hindi mo masulusyunan..yung hindi mo magawan ng paraan..na kahit na anong sikap mo, wala pa rin..na kahit na anong ikot mo, hindi mo pa rin mahanap yung solusyon..yung makakatulong sayo..
pinapakinggan ko ito ngayon, kasi feeling ko talaga sasabog na ako..
ewan ko..basta ang alam ko..MABIGAT TALAGA!!!sana mabawasan ng kantang ito yung bigat na dinadala ko..kahit konti lang..kahit na konting konti lang :(
2 comments Labels: GOD, Lift up your hand, problem, survive
More Award
Posted by arah Tuesday, October 7, 2008 at 10:48 PM
Salamat kay Marlene at Genyze para award na binigay nila..nakakabagbag damdamin :-)
Rules:
Put the logo on your blog.
Add a link to the person who awarded it to you.
Link 10 other bloggers whom you wanted to share this award to.
Give a reason why you consider that person's blog cool.
at ito ay aking ipapamahagi kina -
Ms Em
Honie
Rohj
Marlene
Genyze
Krissel
kasi sila lang ang nagtitiyaga sa blogko..hehehe...lav ko lang talaga sila..
i'm so excited!!!!
Posted by arah Thursday, October 2, 2008 at 12:27 AM
thursday na!!!uwian na..wahahahha..hinihila ko na ang oras para makauwi na province.. sarap nito...long weekend..
sama ko noh?pinagpalit ko ang wednesday na holiday sa friday para sa pansariling kagustuhan..pero masaya nmn diba, kasi hindi putol ang pasok natin..i mean..tuloy-tuloy then long weekend..
pagbigyan nyo na ako:-)lam nyo naman kung ganu ko na ka miss tru lav ko eh.. masaya talaga ito..3 days kong makakasa ang palalav ko...3 days kaming magbobonding.. happy talaga kasi 1 month ko ng hindi nakikita si Zhion Jhiro (Z.J.) noh..xempre mis na mis ko na true lav ko..palalav ko..anak ko..junakis ko...bebe ko.. (iisa lang tinutukoy ko ha)..
pero wah pa ako na buy na mga bilin nyang ubong (pasalubong)..dunkin donut, choco mucho and stik-o..haizzz..maghahabol ako mamaya para maka buy, kasi pag ala akong dala, magtatampo talaga yun..
BILISAN NYO NA!!!UWIAN NA!! :-)
2 comments Labels: choco mucho, dunkin donut, love, stik-o, true love
tag and tag
Posted by arah Wednesday, October 1, 2008 at 1:21 AM
salamat kay Binibining Alindogan sa pag tag nya sa akin...
unti-unti ko ng napapakilala ang sarili ko dahil sa blog na ito, pero marami pa kayong hindi alam.. isa na rin itong dagdagan kaalaman tungkol sa pagkatao ko..
****************************
1. Link to the person who tagged you (see above).
2. Post the rules on your blog (this is what you are now reading)
3. Write 6 random things about yourself (see below).
4. Tag 6 people at the end of your post and link to them (This is only a game)
5. Let each person know they have been tagged and leave a comment on their blog
6. Let the tagger know when your entry is up.
***************************
munting pagpapakilala
- super mapagmahal akong tao, lahat gagawin ko para sa mga mahal ko.
- super tiyaga ako, kahit na naibigay ko na ang kanang kamay ko, kaya ko pang ibigay ang kaliwa para sa mga taong mahal ko.
- super mapagpasensya ako, pero iwas ka pag napuno ako, kasi sasabog talaga ako.
- super woman ako, hanggat kaya ko gagawin ko kahit na sagarin ko pa ang sarili ko.
- super sentimental ako, lahat ng bagay na binibigay sa akin, kahit na kapirasong papel pa yan eh pag iingatan ko yan, kasi ganun ako magpahalaga, at lahat ng memories kahit na pangit eh nakatago pa rin sa puso ko.
- super iyakin ako, akala nyo lang makulit at palatawa ako pero mababaw ang luha ko, na kahit nanonood lang ako ng t.v. eh mapapaiyak ako specially pag tungkol or usapang pamilya na.
****************************
tag ko rin sila